Ngayong araw, Abril 29, 2023 ay ika-26 na anibersaryo ng pagkabisa ng Chemical Weapons Convention (CWC), at ang paghawak sa mga abandoned chemical weapons (ACWs) ng Hapon sa Tsina ay isang mahalagang misyon sa balangkas ng CWC.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 28, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahalagang naiwang isyung historikal sa pagitan ng Tsina at Hapon ang mga ACWs sa Tsina.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na solemnang pakitunguhin ang pagkabahala ng panig Tsino at komunidad ng daigdig, dagdagan ang laang-gugulin sa iba’t-ibang aspekto, puspusang pabilisin ang proseso ng paghawak sa mga naiwang sandatang kemikal sa Tsina, at gumawa ng karapat-dapat na pagsisikap upang ipatupad ang sariling responsibilidad at isakatuparan ang hangaring “daigdig na walang sandatang kemikal.”
Salin: Lito