Beirut — Sa isang news briefing Abril 28 (oras na lokal), 2023, ipinahayag ni Hossein Amir-Abdollahian, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Iran, na sa loob ng darating na ilang araw, bubuksan muli ng Iran at Saudi Arabia ang embahada sa isa’t-isa.
Ani Amir-Abdollahian, inimbitahan na niya ang Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia sa pagbisita sa Teheran, at pinasalamatan at tinanggap ito ng kanyang Saudi Arabian counterpart.
Salin: Lito