Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa Angolan president

2023-04-29 11:31:59  CRI
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala Abril 27, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Joao Lourenco ng Angola tungkol sa kalamidad ng napakalakas na ulan sa bansa.


Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot sa mensahe ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga biktima sa kalamidad, at ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng biktima, nasugatan, at mga apektdong mamamayang Angolan.


Ani Xi, nananalig siyang tiyak na mapagtagumpayan ng Angola ang kahirapan at muling itayo ang lupang-tinubuan nito.


Salin: Lito