Kaugnay ng talumpati ni Pangulong Yoon Suk Yeol ng Timog Korea sa Kongresong Amerikano, ipinahayag Abril 28, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang dakilang tagumpay ng War to Resist US Aggression and Aid Korea ay may mahalaga at pangmalayuang katuturan para sa Tsina at buong daigdig.
Napapatunayan aniya nito na kung titindig ang anumang bansa o hukbo sa maling tabi ng kasaysayan, tiyak silang mabibigo.
Ipinahayag ni Mao ang pag-asa ng panig Tsino na gagawa ang kaukulang bansa ng mas maraming bagay na makakabuti sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig para maiwasan ang muling pagkakamali.
Tungkol sa Battle of Lake Changjin, ayon sa rekordang Tsino, 36 libo na kinabibilangan ng 24 libong sundalong Amerikano ang pinatay. Tinawag ni dating Kalihim ng Estado Dean Acheson ng Amerika ang resulta ng gerang ito bilang “the longest retreat in US military history,” saad pa ni Mao.
Salin: Lito