Direktor Heneral ng WIPO, kinatagpo ni Qin Gang

2023-04-29 11:28:03  CRI
Share with:

Beijing Sa kanyang pakikipagtagpo Abril 28, 2023 kay Daren Tang, Direktor Heneral ng World Intellectual Property Organization (WIPO), ipinahayag ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na mabilis na sumusulong ngayon ang Tsina tungo sa isang malakas na bansa mula malaking bansa sa larangan ng karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip o intellectual property rights (IPR).


Sinabi ni Qin na buong tatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang namumunong papel ng WIPO sa pangangasiwa sa IPR sa buong mundo. Nakahanda aniya ang panig Tsino na walang humpay palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng kapwa panig sa mataas na lebel, at pasulungin ang pagtatatag ng inklusibo, balanse, at mabisang pandaigdigang regulasyon ng IPR para benipisyunan ng mga bungang pansiyensiya’t panteknolohiya ang mas maraming bansa at mamamayan.


Ipinahayag naman ni Daren Tang na natamo ng usapin ng IPR ng Tsina ang makasaysayang tagumpay.


Nakahanda aniya ang WIPO na magsikap kasama ng panig Tsino upang magkasamang mapasulong ang patuloy at malusog na pag-unlad ng pangangasiwa sa IPR sa buong daigdig.


Salin: Lito