Pagmamanman ng Amerika sa Pangkalahatang Kalihim ng UN, di katanggap-tanggap: mambabatas ng Zimbabwe

2023-05-01 11:12:06  CRI
Share with:

Isiniwalat kamakailan ng mediang Amerikano na minamanmanan ng pamahalaang Amerikano ang pag-uusap sa telepono nina Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN) at mga lider ng iba’t-ibang bansa.


Sa isang panayam ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Supa Mandiwanzira, mambabatas ng Zimbabwe na ang ganitong kilos ng Amerika ay hindi katanggap-tanggap, at dapat itong batikusin.


Ipinalalagay niya na dapat napakaingat na matyagan ng ibang mga bansa ang Amerika.


Layon ng pagmamanman ng Amerika sa Pangkalahatang Kalihim ng UN na patawan ang sariling impluwensiya at hanapin ang sariling kapakanan, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil