Sa isang komentaryong inilabas Abril 30, 2023 ng Korean Central News Agency (KCNA), sinabi nito na ang biyahe kamakailan ni Pangulong Yoon Suk-yeol sa Amerika ay “pinaka-ostilo, probokatibo, at napakapanganib na biyahe sa digmaang nuklear.”
Anang komentaryo, layon ng “Washington Declaration” na ipinalabas pagkatapos ng pag-uusap ng mga lider ng Timog Korea at Amerika, na “maging katotohanan ang paglaban sa Hilagang Korea sa pamamagitan ng nuklear.”
Sa kanyang biyahe sa Amerika, kinausap si Yoon Suk-yeol ni Pangulong Joe Biden ng Amerika kung saan sinang-ayunan ng kapwa panig na i-upgrade ang “extended deterrence” para sa Timog Korea.
Salin: Lito
Pulido: Ramil