Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Mongolia, nag-usap

2023-05-02 11:53:38  CRI
Share with:

Beijing Sa kanyang pakikipag-usap Mayo 1, 2023 kay Battsetseg Batmunkh, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Mongilia, ipinahayag ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng panig Tsino na isakatuparan kasama ng panig Mongolian ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, katigan ang isa’t-isa sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan at mahalagang pagkabahala, walang patid na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at pagkakaibigan ng dalawang bansa, patuloy na pasulungin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng “Belt and Road,” industriya ng mina, at konektibidad upang magkasamang maitayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.


Ipinahayag naman ni Battsetseg na palagiang nananangan ang kanyang bansa sa prinsipyong isang-Tsina.


Ipinalalagay aniya ng Mongolia na ang isyu ng Taiwan, Hong Kong at Tibet ay ganap na suliraning panloob ng Tsina.


Buong pagkakaisang sumang-ayon ang kapwa panig na pag-ibayuhin ang kanilang kooperasyon sa pagpigil at pangangasiwa sa sandstorms upang magkasamang mapasulong ang sustenableng pag-unlad.


Salin: Lito

Pulido: Ramil