Nagbigay ng talumpati si Embahador Jaime A. FlorCruz
Nagbigay ng talumpati si Dr. Erwin F. Balane
Kamakailan, Abril 29, 2023, Sabado, ipinagdiwang ang Filipino Food Month sa Pasuguan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, na inorganisa ng Philippine Department of Tourism, Beijing, katuwang ang Travel & Leisure Magazine sa Tsina.
Mga mga bisitang Tsino na nakasuot ng Hanfu, tradisyonal na kasuotang Tsino
Jiashan, Tsinong nakasuot ng Filipiniana, tradisyonal na kasuotang Pilipino
Ang pagdiriwang ng Filipino Food Month ay mistulang naging karnibal sa dami ng masasarap na pagkaing Pilipino, naging pista dahil sa makukulay na MassKara, at pagbabahagi ng mga angking galing at talento pagdating sa iba’t ibang larangan, na dinaluhan ng maraming Pilipino, Tsino at dayuhan mula sa iba’t ibang panig ng Tsina.
Nag-aalok ng mga masasarap na kakanin at matatamis
Nag-aalok ng sisig si Chef Aris Mendoza sa mga dalagang Tsino
Kinukunan ng letrato ng mga bisita ang lechon
Iba’t ibang klaseng masasarap na pagkain ang inihain sa mga dumalaw na bisita gaya na lamang ng pansit, inihaw na karne, sisig, lechon, adobo at iba pa. Hindi rin nawala ang mga desert tulad ng sapin-sapin, biko, leche flan, at halo-halo.
Mga produktong pagkain ng Liwayway Marketing Corporation
Madalas na hinahanda ang inuming San Miguel Beer kapag may handaan
Pati na rin ang mga masasarap na chitchirya at ang paboritong inumin ng mga Pilipino tuwing may pagdiriwang, ang San Miguel Beer.
Booth ng DOLE Philippine Fruit Festival
Ana Abejuela, Agriculture Counsellor (kanan), kasama sila Zun at kanyang asawa
Sa pamumuno naman ni Ana Abejuela, Agriculture Counsellor, ibinida nya ang mga produktong prutas gaya ng saging, pinya, durian at iba pa. Ayon sa kanya, sa unang shipment mula Davao noong nakaraang Abril, nagkaroon ito ng fantastic response at nagustuhan din ito ng mga bumisita sa naturang pestibal.
Mga Pilipinong iskolar na nagtatanghal ng Pista ng MassKara
Nakasuot ng MassKara at nagtatanghal
Nagbibigay-aliw sa mga batang manonood
Nakasuot ng MassKara at nagtatanghal
Bumida ang mga Pilipinong iskolar na sina Kristine Venesse Anunsawon, Joerhim Feliz L. Silvestre, Welmar T. Arangues, Ramela G. Ledesma mula Beijing Institute of Technology (BIT), Ralph P. Baybado mula Beijing Jiaotong University (BJTU), at Karen C. Quinquero mula Beijing Language and Culture University (BLCU), sa iba’t ibang klase ng pagsasayaw.
Nagtuturo ng self-defense si Rhio Zablan
Nagsasagawa ng face painting si Jensen Moreno
Nagpakitang gilas sila sa pamamagitan ng pagtatanggal ng Pista ng MassKara, na isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-4 na Linggo ng Oktubre sa Bacolod. Pinakita rin nila ang iba’t ibang klase ng modern at tradisyonal na sayaw.
Samantala, ibinida naman ni Rhio Zablan at ang kanyang grupo ang Filipino martial arts na Arnis o Eskrima kung saan sila ay nagtanghal at nagturo ng tamang self-defense, at umani ito ng papuri mula sa publiko.
Hindi rin nawala sa pagdiriwang ang pagbabahagi ng galing at talento sa pagpinta ng Filipino artist na si Jensen Moreno, kung saan naka-display ang kanyang mga obra sa iba’t ibang sulok ng embahada at nag-organisa rin sya ng face painting para sa mga bata.
Artikulo/Larawan: Ramil Santos
Web Editor: Lito