Nanawagan Mayo 1, 2023 si Dai Bing, pangalawang pirmihang kinatawang Tsino sa United Nations (UN), sa Sekretaryat ng UN na patuloy na palalakasin ang pangangasiwa sa komprehensibong badyet na pamayapa at totohanang palakasin ang panloob na kontrol upang mapataas ang episensiya at bisa ng mga aksyong pamayapa.
Sinabi ni Dai na ang pinansya ay pundasyon at mahalagang sandigan ng pangangasiwa ng UN. Bilang pinakamalaking badyet ng UN, ilampung bilyong dolyares ang halaga ng pondong pamayapa, aniya.
Palagiang naninindigan ang panig Tsino na alinsunod sa siyentipiko at makatuwirang prinsipyo, mataimtim na suriin ang badyet na pamayapa upang magkaloob ng kinakailangang yaman para sa mga aksyong pamayapa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil