IMDEX Asia 2023, binuksan sa Singapore

2023-05-04 15:19:19  CMG
Share with:

 

Binuksan kahapon, Mayo 3, 2023 sa Singapore ang International Maritime Defence Exhibition and Conference (IMDEX) Asia 2023.

 

Isinapubliko rito ang mga bagong inobasyon ng mga pandaigdigang kompanya sa larangan ng ship-borne weapons, uncrewed systems at ship energy solutions.

 

Samantala, isasagawa naman ng mga namamahalang tauhan ng mga tropang pandagat at departamento ng maritime ng iba’t-ibang bansa ang diyalogo para pasulungin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan sa Asya-Pasipiko.

 

Ang IMDEX Asia 2023 ay tatagal hanggang Mayo 5.

 

Lumahok sa mga pagtatanghal ang mahigit 200 kompanya ng 25 bansa at rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio