Biyahe ni Qin Gang sa Pakistan at Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afganistan, at Pakistan, inilahad

2023-05-04 15:55:10  CRI
Share with:

Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Pakistan at nakatakdang pagdalo sa Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afganistan, at Pakistan mula Mayo 5 hanggang 6, 2023, sinabi Mayo 4, 2023 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ang unang biyahe ni Qin sa Pakistan.


Sa pananatili sa Pakistan, kakatagpuin aniya si Qin ng lider ng bansa.


Magkasama rin aniyang pangunguluhan ni Qin at kanyang counterpart na Pakistani na si Bilawal Bhutto Zardari ang Ika-4 na Estratehikong Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Pakistan.


Malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa kanilang relasyon at situwasyong panrehiyon at pandaigdig, anang tagapagsalita.


Kaugnay naman ng gaganaping Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afganistan, at Pakistan, sinabi ng tagapagsalita, na ang diyalogong ito ay mahalagang plataporma para sa isyu ng Afghanistan, at nakakatulong upang magkaroon ng kasunduan ang mga bansa sa rehiyon hinggil sa nasabing usapin.


Umaasa aniya ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng naturang diyalogo, magkakaroon ng pagpapalitan ng opinyon tungkol sa sitwuasyon ng Afghanistan, kooperasyon ng tatlong bansa, at iba pang isyu.


Layon nitong palawakin ang pagkakasundo ng tatlong bansa, patibayin ang pagtitiwalaan, at magkakasamang magsikap para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaang panrehiyon, anang tagapagsalita.


Salin: Lito

Pulido: Rhio