COVID-19, hindi na ituturing bilang public health emergency - WHO

2023-05-06 16:20:03  CMG
Share with:

Inanunsyo Mayo 5, 2023 ng World Health Organization (WHO) na ang bagong epidemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay hindi na itinuturing bilang “Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).”

 

Ang naturang kapasiyahan ay ipinalabas ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO, pagkatapos ng pulong na idinaos Mayo 4, 2023 ng Pangkagipitang Komisyon ng WHO para sa pagtasa sa COVID-19.

 

Tinukoy ni Tedros na hindi ito nangangahulungang na ang COVID-19 ay hindi na isang banta sa kalusugan ng mga mamamayan ng buong mundo.

 

Si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO / file photo


Sa nakalipas na tatlong taong o higit pa, nakaranas ang mundo ng multiple rounds ng COVID-19 dulot ng iba’t ibang variant gaya ng Alpha, Delta at Omicron. Ayon sa estadistika ng WHO, mahigit 760 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig, at higit sa 6.9 milyon ang bilang ng mga nasawi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil