Ika-32 SEA Games, binuksan

2023-05-06 14:54:27  CMG
Share with:

Binuksan kahapon, Mayo 5, 2023 sa Phnom Penh ng Cambodia ang ika-32 South East Asia Games (SEA Games). Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng SEA Games sa Cambodia.


Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, na ang palakasan ay nakakabuti sa pag-unlad ng usaping pangkapayapaan at nakikinabang dito ang lahat ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.


Ang slogan ng palarong ito para sa taon ngayon ay Sport: Live in Peace at mayroon 36 na event ang ika-32 SEA Games na nilalahukan ng mahigit 10 libong atleta, coach, tagahatol at mga opisyal ng 11 bansa ng SEA.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil