Ika-5 Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afghanistan, at Pakistan, dinaluhan ni Qin Gang

2023-05-07 15:15:35  CRI
Share with:

Islamabad, Pakistan — Sa kanyang pagdalo, Mayo 6 (lokal na oras) 2023, sa Ika-5 Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afghanistan, at Pakistan, sinabi ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang matagumpay na pagdaraos ng nasabing diyalogo ay sumasagisag ng muling pagsisimula ng mekanismong pangkooperasyon ng tatlong bansa.


Palagi aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapa-unlad ng relasyong pangkaibigan sa Afghanistan at Pakistan, at sa pamamagitan ng bilateral at trilateral na mekanismong pangkooperasyon, nakahanda aniya ang panig Tsino na ipatupad kasama ng Afghanistan at Pakistan ang Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative.


Ito ay upang magkakasamang matamasa ang pagkakataon ng pag-unlad, magkakasamang harapin ang mga hamon, magkakasamang mapasulong ang sibilisasyon at progreso, at mapangalagaan ang katatagan at kasaganaang panrehiyon, saad ni Qin.


Ipinagdiinan niyang handa ang Tsina upang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Afghanistan at Pakistan sa larangan ng paglaban sa terorismo; at paggigiit ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng ideyang panseguriad upang matatag na tutulan at mapalakas ang pakikibaka laban sa terorismo sa anumang porma.


Sa ilalim ng rehiyonal na multilateral na balangkas, dapat palakasin ng tatlong bansa ang kooperasyon sa usaping panseguridad, dagdag ni Qin.


Sa pamamagitan ng tsanel na pangkooperasyon, nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang estratehikong pakikipagkoordina at pakikipagsangguni sa Afghanistan at Pakistan upang mapalalim ang pagkakaibigan at estratehikong pagtitiwalaan.


Kasama ng Afghanistan at Pakistan, nais ng panig Tsino na magkaroon ng bahaginan ng pagkakataon at progreso ng pag-unlad at mapahigpit ang pagpapalitang pangkultura, aniya pa.


Ipinahayag naman nina Bilawal Bhutto Zardari, Ministrong Panlabas ng Pakistan at Amir Khan Muttaqi, umaaktong Ministrong Panlabas ng Afghanistan na ang pakikipagkooperasyon sa Tsina ay mahalaga sa pagpapasulong ng kapayapaan at kasaganaang panrehiyon.


Nakahanda anila ang kanilang mga bansa na aktibong pasulungin ang kooperasyon ng tatlong panig at pangalagaan ang komong kapakanan tungo sa pagsasakatuparan ng win-win na resulta at pagkakaroon ng benepisyo ng tatlong bansa at mga mamamayan ng rehiyon.


Ang diyalogo ay pinanguluhan ng mga ministrong panlabas ng naturang tatlong bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio