Pagbati, inihayag ni Xi Jinping at Peng Liyuan sa koronasyon nina Haring Charles III at Reyna Camilla ng Britanya

2023-05-07 15:14:32  CRI
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Mayo 6, 2023 nina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina kina Haring Charles III at Reyna Camilla ng Britanya kaugnay ng kanilang koronasyon.


Tinukoy nina Xi at Peng na kasalukuyang dinaranas ng mundo ang masalimuot at malalim na pagbabago, at kinakaharap ng komunidad ng daigdig ang maraming pambihirang hamon.


Bilang kapuwa pirmihang kasapi ng United Nations Security Council (UNSC), dapat magkasamang pasulungin ng Tsina at Britanya ang historikal na tunguhin ng kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon sa pangmalayuan at estratehikong pananaw, dagdag nila.


Nakahanda anilang magsikap ang panig Tsino kasama ng panig Britaniko upang mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, mapalawak ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at mapabuti ang pagpapalitang kultural upang makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at buong daigdig.


Salin: Lito

Pulido: Rhio