Summit ng Tsina at Gitnang Asya, idaraos sa lunsod Xi’an

2023-05-08 15:22:46  CMG
Share with:

Inanunsyo ngayong araw, Mayo 8, 2023 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagdaraos ng Summit ng Tsina at Gitnang Asya sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi ng Tsina mula Mayo 18 hanggang 19.

 

Aniya, ito ay pangunguluhan mismo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dadaluhan nina Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, Pangulong Sadyr Nurgozhoevich Japarov ng Kyrgyzstan, Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, Pangulong Serdar Berdimuhamedov ng Turkmenistan at Pangulong Shavkat Miromonovich Mirziyoyev ng Uzbekistan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio