Habang patuloy ang sagupaan sa Khartoum, kabisera ng Sudan, sinimulan ng mga kinatawan ng hukbo ng nasabing bansa at paramilitary Rapid Support Forces (RSF), ang diyalogo para sa tigil-putukan, Sabado, Mayo 6, 2023, sa Jeddah, lunsod ng Saudi Arabia, bilang bahagi ng inisyatiba ng Saudi Arabia at Amerika.
Ini-isyu ng Amerika at Saudi Arabia ang magkasanib na pahayag bilang malugod na pagtanggap sa pagsisimula ng “pre-negotiation talks.”
Sa pahayag, hiniling sa nagsasagupaang panig na aktibong makisangkot sa talastasan para sa tigil-putukan tungo sa agarang pagtatapos ng alitan.
Ayon sa Ministri ng Kalusugan ng Sudan, 550 katao na ang naitalang nasasawi, samantalang 4,926 naman ang sugatan sa kasalukuyang karahasan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio