MOFA, ipinatalastas na ang isang diplomata ng Konsulada Heneral ng Canada sa Shanghai ay Persona Non Grata

2023-05-09 16:02:46  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Mayo 9, 2023 ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang isang diplomata ng Konsulada Heneral ng Canada sa Shanghai ay Persona Non Grata.

 

Hiniling ng MOFA sa naturang diplomata ng Canada na dapat lumisan ng Tsina bago Mayo 13.

 

Nauna rito, ipinatalastas ng Pamahalaan ng Canada na ang isang diplomata ng Konsulada Heneral ng Tsina sa Toronto ay Persona Non Grata.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng panig Tsino ang matinding pagkondena at matatag na pagtutol at iniharap ang solemnang representasyon at malakas na pagprotesta sa Canada.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil