Pulong ng mga mataas na opisyal ng ika-20 CAExpo, idinaos

2023-05-10 15:00:22  CMG
Share with:

 

Idinaos Martes, Mayo 9, 2023 sa lunsod Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, ang pulong ng mga mataas na opisyal ng ika-20 China-ASEAN Expo (CAExpo).

 

Dumalo sa pulong na ito ang mga mataas na opisyal ng Tsina at mga bansang ASEAN na namamahala sa mga suliranin ng kalakalan at pamumuhunan, mga diplomata ng bansang ASEAN sa Tsina, at mga opisyal ng Sekretaryat ng CAExpo at kaukulang departamento ng Guangxi, para talakayin ang mga gawaing paghahanda para sa ika-20 CAExpo.

 

Ipinahayag ni Wei Zhaohui, Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo na maayos na isinagawa ang mga gawaing paghahanda batay sa nakatakdang agenda.

 

Ipinahayag ni Yu Xiang, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng mga suliranin ng Asya ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na samantalahin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang plataporma ng CAExpo para pahigpitin ang kalakalan at pamumuhunan sa isa’t isa, at pasulungin ang komprehensibong kooperasyong Sino-ASEAN sa kabuhayan at kalakalan.

 

Mataas na tinasahan ng mga kinatawan ng mga bansang ASEAN ang mahalagang papel at katayuan ng CAExpo.

 

Inilahad din nila ang kalagayan ng gawaing paghahanda ng kani-kanilang bansa.

 

Umaasa anila na sasamantalahin ng mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa ang plataporma ng CAExpo, para isagawa ang pagpapalagayang komersyal at magkakasamang pasulungin ang pagpapalitan ng kalakalan, pamumuhunan, turismo at kultura.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil