Ika-42 ASEAN Summit, binuksan

2023-05-10 15:29:08  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Mayo 10, 2023 sa Labuan Bajo, Indonesia ang ika-42 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, nanawagan si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa mga kasaping bansa ng ASEAN na higpitan pa ang pagkakaisa at integrasyon ng kabuhayan.

 

Sinabi niyang dapat pahigpitin ng ASEAN ang integrasyon ng kabuhayan at mga kooperasyon sa pagsasakatuparan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), kalusugan, pagkaing-butil at enerhiya, at panatilihin ang katatagan ng pinansiya.

 

Ang tema ng ika-42 ASEAN Summit ay "ASEAN Matters: Epicentrum of Growth." Ipinahayag ng Indonesia ang pag-asang ang ASEAN ay patuloy na magiging nukleo ng pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon at mananatiling mabilis at sustenable ang paglaki ng kabuhayan.

 

Tinatayang sa summit na ito, pagtitibayin ang roadmap ng East Timor sa pagiging pormal na kasaping bansa ng ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil