Kaugnay na katatapos na ika-5 Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afghanistan, at Pakistan na idinaos sa Islamabad, Pakistan, ipinahayag Mayo 9, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sa diyalogong ito, isinagawa ng tatlong ministrong panlabas ang matapat at malalim na pagpapalitan hinggil sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan, kooperasyong panseguridad, paglaban sa terorismo, konektibidad, kalakalan at pamumuhunan, at narating nila ang isang serye ng komong palagay.
Inulit ng tatlong bansa na ibayo pang pasulungin ang kanilang kooperasyon sa balangkas ng “Belt and Road” Initiative.
Nanawagan sila sa komunidad ng daigdig na isagawa ang konstruktibong pagkontak sa Afghanistan.
Hinimok nila ang mga bansang may responsibilidad sa kasalukuyang kahirapan ng Afghanistan na itakwil ang unilateral na sangsyon sa bansang ito at ibalik ang pondo sa ibayong dagat, para makalikha ng pagkakataon para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Afghanistan.
Salin:Ernest
Pulido: Ramil