Chancellor ng Alemanya at FM ng Tsina, nagtagpo

2023-05-11 14:49:33  CMG
Share with:

 

Nagtagpo Miyerkules, Mayo 10, 2023 sa Berlin sina Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya at Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Ipinahayag ni Scholz na aktibong isinasagawa ng kanyang bansa ang mga gawaing paghahanda para sa ika-7 pagsasanggunian ng pamahalaan ng Alemanya at Tsina.

 

Sinabi niyang nakahanda ang kanyang bansa na magkasamang magsikap, kasama ng Tsina, para maigarantiya ang paggamit ng positibong bunga ng pagsasangguniang ito.

 

Saad niyang pinahahalagahan ng kanyang bansa ang papel at impluwensiya ng Tsina at nakahandang pahigpitan ang pag-uugnayan sa Tsina hinggil sa mga mahalagang isyung gaya ng krisis ng Ukraine.

 

Ipinahayag naman ni Qin na ang pagpapahigpit ng diyalogo at kooperasyon ng dalawang bansa ay nakakabuti sa katatagan at kaunlaran ng buong daigdig.

 

Umaasa aniya siyang magkasamang mapapasulong ng dalawang bansa ang paggamit ng masaganang bunga ng ika-7 pagsasanggunian ng pamahalaan ng dalawang bansa.

 

Sinabi pa ni Qin na maliwanag at palagian ang paninindigang Tsino sa isyu ng Ukraine.

 

Aniya pa, dapat itigil ang putukan sa lalong madaling panahon at isakatuparan ang pulitikal na paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Nakipagtagpo rin sin Qin kina Annalena Baerbock, Ministrong Panlabas ng Alemanya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil