Xi Jinping, naglakbay-suri sa Xiong’an

2023-05-11 10:49:01  CMG
Share with:

 

Naglakbay-suri Mayo 10, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Xiong’an New Area sa lalawigang Hebei.

 

Idiniin ni Xi na ang kasalukuyang pokus ng gawain ng Xiong’an New Area ay de-kalidad na konstruksyon, pangangasiwa sa mataas na antas, at de-kalidad na pag-unlad para mabisang tanggapin ang mga di-esensyal na punksyon ng Beijing bilang kabisera ng bansa.

 

Habang nananatili sa Xiong’an, bumisita si Xi sa istasyon ng high speed railway, komunidad at mga lugar ng konstruksyon para malaman ang aktuwal na kalagayan ng konstruksyon ng Xiong’an.


 

Pinanguluhan din ni Xi ang isang simposyum hinggil sa konstruksyon ng Xiong’an. Dumalo sa simposyum na ito sina Premyer Li Qiang, Pangalawang Premyer Ding Xuexiang, mga mataas na opisyal ng Pamahalaang Sentral at pamahalaan ng lalawigang Hebei, at mga kinatawan ng mga bahay-kalakal.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil