Ika-42 ASEAN Summit, ipininid

2023-05-12 15:15:27  CMG
Share with:

 

Ipininid, Mayo 11, 2023 sa Labuan Bajo, Indonesya ang Ika-42 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng bansa na matagumpay ang pagdaraos ng summit, at kailangang pahigpitin ng mga kasaping bansa ng ASEAN ang pagkakaisa para isakatuparan ang komong target, pasulungin ang papel ng ASEAN bilang nukleo at makina ng pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon, at pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.

 

Isinapubliko rin dito ang mga dokumento hinggil sa pagpapalakas ng transnasyonal na pagbabayad sa rehiyon, paggamit ng local currency sa transnasyonal na kalakalan, pagpapasulong ng katatagan at integrasyon ng pinansiya at kabuhayan, pagbabawas ng emisyon, at pagpapataas ng kakayahan at episiyensya ng mga organo ng ASEAN.

 

Bukod pa riyan, pinagtibay sa summit ang roadmap na tatahakin ng East Timor upang maging pormal na kasaping bansa ng ASEAN.

 

Bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, ipinasiya ng Indonesya na ang Ika-43 ASEAN Summit at serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asiya ay idaraos sa darating na Setyembre sa bansang ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio