Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, bumisita sa Xiangyang

2023-05-13 18:36:35  CMG
Share with:


Sa paanyaya ng China Media Group Asian and African Languages Programming Center, mula Mayo 8 hanggang Mayo 11, bumisita si Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, sa lunsod ng Xiangyang, lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina, para alamin ang kalagayan ng modernisasyong agrikultural sa lokalidad.

 

Ang Xiangyang ay isang mahalagang lugar para sa agrikultura ng Tsina. Mahigit sa 200 libong hektarya ang taunang itinatanim na palay sa Xiangyang, at umabot sa halos 2 bilyong kilo ang output. Masagana ang mga produktong agrikultural, maunlad ang mga ginagamit na teknolohiyang agrikultural, at malawak din ang kadena ng industriya ng agrikultura dito.



Sa biyaheng ito, pumunta si AgriCon Ana sa mga rural area ng Zaoyang, Yicheng, at Xiangzhou sa ilalim ng Xiangyang. Nakita niya ang maraming bagay, tulad ng pagtatanim ng mga damong-gamot at paggawa ng mga pagkaing pangkalusugan yari ng mga ito, pagtatanim ng rosas at paggawa ng mga inumin at pagkain mula sa mga ito, salit-salit na pagtatanim ng ubas at iba pang mga prutas batay sa magkakaibang panahon, paggamit ng organic waste para gumawa ng kuryente, biogas, at pataba, pagpapaunlad ng agritourism, pag-aalaga ng crayfish sa taniman ng palay, pag-aalaga ng mga pato at paggawa ng mga pagkain mula sa mga ito, awtomatikong pagkatay ng baboy at awtomatikong paggawa ng dumpling na may palaman ng karne ng baboy, pagtatanim ng kabute, at paggawa ng mga intelligent agricultural machine.



 

Sa kanya namang talakayan kasama ng mga namamahalang tauhan ng mga departamento ng pamahalaan ng Xiangyang na may kinalaman sa agrikultura at mga bahay-kalakal na pang-agrikultura, sinabi ni AgriCon Ana, na nakahanda ang kanyang tanggapan na pahigpitin ang koneksyon sa agrikultura sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, para maging mas malakas at malalim ang kooperasyong pang-agrikultura ng dalawang bansa.


 

Nahikayat ng biyaheng ito ang isang dokumentaryong may kinalaman sa agrikultura na ginawa ng China Media Group Asian and African Languages Programming Center at may pamagat na “Apat na Panahon ng Xiangyang.” Ipinakikita ng dokumentaryong ito ang mga kawili-wiling istorya ng agrikultura at mga magsasaka sa Xiangyang, na nakakaakit kay AgriCon Ana.


Reporter: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos