Sa Spring Festival party noong 2015, binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang tulang “You Zi Yin” o Awit ng “Lumilisang Anak,” na mula pa sa panahon ng Dinastiyang Tang.
Inilalarawan sa tula ang pagmamalasakit ng ina sa kanyang anak na lumisan papunta sa malayong lugar, at pasasalamat ng anak sa kanyang ina.
Isang bag na gawa sa tela ang nag-uugnay sa puso ng ina at anak.
Sa edad 16 anyos, nagpunta si Xi noong taong 1969, sa Liangjiahe, lunsod ng Yan'an, Lalawigang Shaanxi sa dakong hilagang kanluran ng Tsina.
Bago lumisan, ginawa ni Qi Xin, ina ni Xi, ang isang bag na gawa sa tela para sa kanya, kung saan ibinurda niya ang tatlong karakter Tsinong nangangahulugang "puso ng ina."
Sa pitong taong pamumuhay at pagtatrabaho ni Xi Jinping sa Liangjiahe, kasama ni Xi ang nasabing bag.
Matapos maging opisyal si Xi, madalas na nagpadala ng liham ang ina sa kanya at hiniling na mahigpit na ingatan ang sarili.
Ang pamilya ay unang paaralan sa buhay ng tao, at ang magulang ay ang unang guro ng bata.
Sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binigyang-diin sa maraming okasyon ni Xi ang kahalagahan ng edukasyon sa pamilya.
Kung susulong ang bawat pamilya, tiyak na susulong ang bansa. Kung pagtitipun-tipunin ang halagang ginagawa ng bawat pamilya, tiyak na maging napakalakas na puwersang tagapagpasulong sa dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Salin: Lito
Pulido: Rhio