Xi Jinping: matibay na alalahanin ang pag-asa ng ina

2023-05-14 16:17:05  CRI
Share with:

Sa edad 16 anyos, nagpunta noong Enero 1969 si Xi Jinping sa Liangjiahe, lunsod ng Yan'an, Lalawigang Shaanxi sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina.

Bago lumisan, ginawa ni Qi Xin, ina ni Xi, ang isang bag na gawa sa tela para sa kanya, kung saan ibinurda niya ang tatlong karakter Tsinong nangangahulugang "puso ng ina."


Sa pitong taong pamumuhay at pagtatrabaho ni Xi Jinping sa Liangjiahe, kasama ni Xi ang nasabing bag.


Isang bag na gawa sa tela ang nag-uugnay sa puso ng ina at anak.


“Unang guro ng bata ang magulang”


“Sapul nang isilang ako, 48 taon na ang nakalipas, kasama ng aking magulang, magkapareho ang aking kaalaman at damdamin para sa mga magulang ko, at ito ay nagiging mas matibay.” Ito ang sinulat ni Xi Jinping sa isang family letter noong taong 2001.

Sa mata ni Xi, ang pamilya ay unang klase ng buhay ng tao, at ang magulang naman ay unang guro ng bata.


“Magtrabaho ng mabuti, mag-aral ng mabuti, at maayos na hawakan ang lahat ng bagay,” ito ang motto ni Qi Xin. Sa paggamit nito, naimpluwesyahan ng pananalita at kilos ni Qi ang kanyang anak na lalaki at babae.

Sa bisperas ng bagong taong 2023, ipinalabas ni Pangulong Xi Jinping ang ika-10 mensaheng pambagong-taon. Nakita sa telebisyon ang isang litrato sa opisina ni Xi: nasa kanan at kaliwa, hinahawakan ni Xi at kanyang asawang si Peng Liyuan si Qi Xin.


Kumakatok sa puso ng napakaraming tao ang malalim na damdamin ng ina at anak na lalaki.


Noong bata pa si Xi Jinping, binilhan siya ng kanyang ina ng aklat tungkol kay Yue Fei, isang pambansang bayani ng Dinastiya ng Katimugang Song.


Isinalaysay ng ina ni Xi ang istorya kung bakit "itinato ng ina ni Yue Fei ang mga karakter Tsino sa kanyang balat."


Dahil dito, tumatak sa puso ni Xi ang apat na salitang "Jing Zhong Bao Guo (buong-pusong katapatan sa paglilingkod sa bansa)."


Ang mga salitang ito ang naging haligi ng mga hangarin ni Xi sa kanyang buong buhay.


“Masayang narinig ito ng nanay”


Minsa’y nanood ng dokumentaryo sa telebisyon si Xi kasama ng kanyang ina, kung saan ipinakikita ang kahirapan ng mga magsasaka sa kabundukan.


Sinabi ni Xi na talagang di madali ang buhay ng mga mamamayan.


Sinulat ito ni Qi sa isang artikulo. Masayang masaya si Qi dahil inilalagay ni Xi ang mga mamamayan sa kanyang puso.

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pagmamahal sa pamilya.


Ngunit, dahil siya noon ay isang kadre, sa napakaraming okasyon at pestibal, di siya nakauwi para makasama ang pamilya.


Sa Spring Festival ng taong 2001, tinawagan si Xi ang kanyang ina: si Xi noon ay Gobernador ng probinsyang Fujian ng Tsina.


Sinabi ng kanyang ina, “ang lubos na pagpapabuti ng iyong gawain ay ang pinakamalaking pagmamahal at donasyon na maibibigay mo para sa amin ng iyong ama.”


Pareho ang pinagmulan at pinag-ugatan ng “maliit na pamilya” at “malaking pamilya.”


Ang malalim na hangarin sa “pagsasabalikat” at “paggampan sa responsibilidad at tungkulin” ay nagmula sa pag-unawa at pagsuporta ng ina.


Taglay ang isang mapagmahal na puso para sa lahat ng mamamayan, hangarin ng pagpupunyagi ni Xi Jinping na magkaroon ng magandang buhay ang lahat ng mga pamilya sa bansa.


“Ang katuturan ng aking ideya sa pangangasiwa ay paglilingkod para sa mga mamamayan at pagsasabalikat ng sariling karapat-dapat na responsibilidad,” sabi ni Xi.


Nitong mga taong nakalipas, kahit nagbago ang gawain at posisyon, palagian at matibay na inaalala ni Xi ang pag-asa ng ina, at iginigiit ang orinihal na tawag at hangarin mula sa kanyang puso.


Salin: Lito

Pulido: Rhio