Mga Hapones, tutol sa gaganaping G7 Summit sa Hiroshima

2023-05-14 13:57:52  CRI
Share with:

Dalawang daang Hapones ang nag-protesta kasabay ng paglalakbay-suri Mayo 13, 2023 si Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon sa Hiroshima upang alamin ang paghahanda para sa nakatakdang pagdaraos ng Group of 7 (G7) Summit sa lugar.


Ang rali ay itinaguyod ng komiteng tagapagpaganap ng “Citizen’s Group Questioning the G7 Summit in Hiroshima.”


Sa deklarasyong ipinalabas sa rali nang araw ring iyon, tinukoy ng mga demonstrador na sa katuwirang umano’y kalayaan at demokrasya, sinusubukang itayo ng G7 Summit ang alyansang military.


Anila, ang esensya ng nasabing G7 Summit ay para pilitin ng mayayamang bansa ang mahihirap na bansa na sumunod sa kanilang paniniwla’t panuntunan.


Ang G7 ay binubuo ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya, Italya, Kanada, at Hapon.


Ang Hapon ang bansang tagapangulo ng G7 sa kasalukuyang taon.


Gaganapin mula Mayo 19 hanggang 21, 2023 ang naturang summit.


Salin: Lito

Pulido: Rhio