Tigil-putukan, napagkasunduan ng PIJ at Israel

2023-05-14 13:55:32  CRI
Share with:

Inihayag, Mayo 13, 2023 ng isang opisyal ng Palestinian Islamic Jihad (PIJ) na, narating ng PIJ at Israel ang kasunduan ng tigil-putukan, at pormal itong nagkabisa alas-3:00 ng madaling araw, Mayo 14 (oras ng Beijing).


Kaugnay nito, lumabas sa kalsada ang napakaraming mamamayan sa Gaza Strip upang magdiwang.


Sa kabulang dako, ipinalabas nang araw ring iyon ni Hussein Al-Sheikh, Pangkalahatang Kalihim ng Palestine Liberation Organization (PLO) ang pasasalamat sa ibinigay na pagsisikap ng Ehipto at komunidad ng daigdig sa pagkakaroon ng kasunduan.


Pinasalamatan din ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Israel ang ibinigay na positibong pagsisikap ng mga may-kinalamang panig upang mapasulong ang nasabing kasunduan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio