Mahigit 13,000 tawid-hanggahang biyahe, naitala ng Tsina-Laos Railway

2023-05-15 15:27:12  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat ngayong araw, Mayo 15, 2023 ng isang entry-exit border checkpoint ng Tsina sa kahabaan ng China-Laos Railway, umabot sa 13,310 ang bilang ng tawid-hanggahang biyahe sa daambakal na ito, sapul nang simulan ang serbisyong pampasahero noong Abril 13, 2023.

 

Kabilang sa mga tawid-hanggahang biyahe, 7,024 ang papunta sa Tsina mula sa Laos at 6,286 naman papunta sa Laos mula sa Tsina.

 

Ang nasabing daambakal ay isang mahalaga at de-kalidad na proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road.

 

Ito ay may habang 1,035 kilometro sa pagitan ng Kunming ng Tsina at Vientiane ng Laos.

 

Nagsimula ang operasyon nito noong Disyembre ng 2021.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio