Ang pang-ekonomiyang koersyon ay isang uri ng sandatang ginagamit ng Amerika para piliting kunin ang konsenso ng ibang bansa, at ito’y naglalayong pangalagaan ang hegemonismo ng bansa.
Sa pulong ng mga ministrong pinansiyal at gobernador ng bangko sentral ng Group of 7 (G7) kamakailan, nanawagan si Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, na dapat isagawa ang nagkakaisang aksyon para harapin ang di-umanoy bantang pangkabuhayang hatid ng Tsina.
Sa katotohanan, ang pananalita ni Yellen ay pang-ekonomiyang koersyon ng Amerika upang piliting payukurin ang Tsina sa mga talastasan at kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng kabuhayan, kalakalan at pinansiya.
Bukod dito, ang blokeyo sa teknolohiya at unilateral na sangsyon ay ilan ding paraan ng pang-ekonomiyang koersyon ng Amerika sa ibang bansa.
Sapul noong dekada 80, isinagawa ng Amerika ang maraming sangsyong pangkabuhayan sa Hapon para mapigilan ang pag-unlad ng mga industriya nitong gaya ng semi-conductor.
Ibig-sabihin, walang anumang pag-aatubiling isasakripisyo ng Amerika ang kapakanan ng mga kaalyado para sa sariling pag-unlad.
Dagdag pa riyan, ang Inflation Reduction Act ng Amerika ay isa pang paraan ng pang-ekonomiyang koersyon para isagawa ang diskriminasyon sa mga bahay-kalakal ng ibang mga bansa.
Bukod sa Tsina at Hapon, ang mga bansa ng G7 ay biktima rin ng pang-ekonomiyang koersyon .
Kaya dapat magkakasamang salungatin ng iba pang miyembro ng G7 ang anumang aksyon at mungkahi ng Amerika hinggil sa pang-ekonomiyang koersyon.
Salin: Ernest
pulido: Rhio