Pangulo ng Tsina at Eritrea, nagtagpo

2023-05-16 15:23:09  CMG
Share with:

Sa pagkikita kahapon, Mayo 15, 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Isaias Afwerki ng Eritrea, sinabi ni Xi na nakahandang palalimin ng Tsina ang mapagkaibigang relasyon sa Eritrea.

 

Kasama ng Eritrea, nais tutulan ng Tsina ang unilateralismo at hegemonismo, at isulong ang pangangalaga sa komong kapakanan ng dalawang bansa at mga umuunlad na bansa, lahad ni Xi.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina na palakasin ang mga kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang gaya ng imprastruktura, telokomunikasyon, agrikultura, pagmimina at pangingisda.

 

Pinasalamatan din ni Xi ang mga tulong ng Eritrea sa paglilikas ng mga mamamayang Tsino mula sa Sudan.

 

Ipinahayag naman ni Isaias Afwerki na hinding-hindi kalilimutan ng mga mamamayang Eritrean ang tulong ng mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon ng kasarinlan ng Eritrea.

 

Tinukoy pa niyang iniharap ng Tsina ang plano para malutas ang mga hamong kinakaharap ng buong daigdig, at ito ay nagpapasigla sa mga umuunlad na bansa.

 

Umaasa aniya ang Eritrea na mapapahigpit pa ang kooperasyon sa Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio