Amerika, bansang pinakamadalas gumamit ng pang-ekonomiyang koersyon – Tsina

2023-05-16 15:25:17  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng Group of Seven (G7) Summit na idaraos sa Hapon, ipinahayag kahapon, Mayo 15, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang Amerika ang siyang pinakamadalas gumagamit ng pang-ekonomiyang koersyon upang pilitin ang ibang bansa na sumunod sa kanilang naisin, at ang Hapon ay isa sa mga biktima nito.

 

Ani Wang, kung masinsinang papansinin ng G7 ang seguridad pangkabuhayan, dapat hilingin nito sa Amerika na ihinto ang pagpigil sa pag-unlad ng ibang bansa sa pangangatuwiran ng pambansang seguridad, itigil ang labis na paggamit sa unilateral na sangsyon, putulin ang panggugulo at pagsira sa katatagan ng kadena ng industriya at suplay ng buong daigdig, at iwaksi ang pagnanais na paghiwalayin ang daigdig sa dalawang pamilihan at sistema.

 

Ang mga ito aniya ang mga pangunahing banta na kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig.

 

Hinimok ni Wang ang G7 na isagawa ang mga aksyong nakakabuti sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig, sa halip na manindigan sa panig ng pang-ekonomiyang koersyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio