CMG Komentaryo: Ano ang puwersang panulak sa likod ng kooperasyon ng Tsina at Gitnang Asya?

2023-05-17 15:51:09  CRI
Share with:

Mula Mayo 18 hanggang 19, 2023, gaganapin sa lunsod Xi’an, probinsyang Shaanxi ng Tsina ang unang Summit ng Tsina at Gitnang Asya o China-Central Asia Summit (CCAS).


“Mabuting magkakapitbansa, mabuting magkakaibigan, mabuting magkakatuwag, at mabuting magkakapatid na lalaki” ito ang tunay na larawan ng relasyon sa pagitan ng Tsina at limang bansang Gitnang Asyano na kinabibilangan ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.


Sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at 5 bansang Gitnang Asyano noong 1992, nakaranas ang kapwa panig ng relasyon hinggil sa pagsubok ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig, umunlad ang kanilang relasyon sa komprehensibo’t estratehikong partnership, at napakabilis na sumulong ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.


Ano ang puwersang tagapagpasulong sa likod ng mga ito?


Pangunahing sanhi ay pamumuno ng mga lider ng kapwa panig.


Nitong 10 taong nakalipas, pitong beses na bumiyahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Gitnang Asya. Bumisita naman ang mga lider ng 5 bansang Gitnang Asyano sa Beijing, Shanghai, Qingdao at marami pang lugar ng Tsina.


Sa kasalukuyan, nasa mahalagang yugto ng pag-unlad ang Tsina at Gitnang Asya. Inaasahan ng kapwa panig na mapapalakas ang kanilang kooperasyon.


Bukod pa riyan, magkakasama nilang kinakaharap ang epekto ng pagbabago ng kayariang pandaigdig, at nagiging mas malakas ang kanilang hangaring makakapit-bisig na harapin at pawiin ang mga hamon.


Sa kalagayang ito, napapanahon ang unang CCAS na walang patid na makakapagpalalim sa estratehikong pagtitiwalaan at makakapagpalawak sa kooperasyon ng kapwa panig sa iba’t-ibang larangan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil