Tsina, nakahandang ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa Singapore

2023-05-17 10:50:41  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikipagtagpo Martes, Mayo 17, 2023 sa Beijing kay Lawrence Wong, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Pinansiyal ng Singapore, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa Singapore at winewelkam ang patuloy at malalim na pagsali ng bansa sa reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas.

 

Sinabi ni Li na dapat magkasamang pasulungin ng dalawang panig ang katatagan ng kadena ng industriya at pagsuplay, pahigpitin ang kooperasyon sa serbisyong pinansiyal, digital economy, bagong enerhiya, urban green transformation at social governance.

 

Sinabi naman ni Wong na nakahanda ang Singapore na pasulungin, kasama ng Tsina, ang komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Dagdag pa niyang mahigpit ang kasalukuyang koopersyon ng dalawang bansa at masagana ang natamong bunga nito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil