Diyalogo ng media ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya, idinaos

2023-05-17 15:02:54  CMG
Share with:

 

Idinaos kahapon, Mayo 16, 2023 sa Beijing ang diyalogo ng mga media ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya sa mataas na antas.

 

Ang tema ng diyalogo ay “Modernisasyong Tsino at Gitnang Asya: Bagong Pagkakataon at Bagong Pag-unlad.” Dumalo sa diyalogong ito ang mga namamahalang tauhan ng mga mainstream media, mga diplomata ng mga bansa ng Gitnang Asya sa Tsina at mga dalubhasa.

 

Tinalakay ng mga kalahok ang bagong responsibilidad ng media sa proseso ng modernisasyon ng buong sangkatauhan.

 

Ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), na gumaganap ang media ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagkaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Nakahanda aniya siyang pasulungin ang pagpapalitan at kooperasyon ng mga media ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya para ibayo pang pahigpitin ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Gitnang Asya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil