Iniutos ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong lakas na magsikap para iligtas ang mga nawawalang tao sa tumaob na bapor ng pangingisda sa dagat ng Tsina.
Nauna rito, tumaob ang isang bapor ng pangingisda ng Tsina sa gitna ng Indian Ocean at nawalan ng kontak sa 39 na katao, na kinabibilangan ng 17 Tsino, 17 Indonesian, at 5 Pilipino.
Agarang isinagawa ang rescue work, pero hanggang sa ngayon, hindi pa nakikita ang mga nawawalang tao.
Hiniling din ni Li Qiang, Premyer ng Tsina na dapat higit pang palakasin ang pamamahala sa kaligtasan ng mga bapor ng pangingisda para igarantiya ang kaligtasan ng transportasyon at pagpoprodyus sa dagat.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil