Pangulo ng Tsina at Tajikistan, nag-usap

2023-05-18 15:39:02  CMG
Share with:

Mayo 18, 2023, lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi – Sa pag-usap nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, sinabi ni Xi na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, natamo nito ang malaking progreso.

 

Kasama ng Tajikistan, nakahanda aniya ang Tsina na komprehensibong pataasin ang antas ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at pasulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Si Emomali Rahmon ay kasalukuyang dumadalaw sa Tsina at dadalo sa China-Central Asia Summit (CCAS).


Salin: Ernest

Pulido: Rhio