Pangulo ng mga bansa sa Gitnang Asya, dumating sa Xi’an

2023-05-18 09:37:47  CMG
Share with:

Magkakahiwalay na dumating sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi ng Tsina, mula Mayo 17 hanggang 18, 2023 ang mga pangulo ng mga bansa sa Gitnang Asya para dumalo sa Summit ng Tsina at Gitnang Asya na idaraos mula Mayo 18 hanggang 19.

 

Kabilang sa mga nabangggit na lider ay sina: Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, Pangulong Sadyr Japarov ng Kyrgyzstan, Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, Pangulong Serdar Berdimuhamedov ng Turkmenistan at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio