Pangulo ng Tsina at Turkmenistan, nagtagpo

2023-05-18 16:41:21  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong araw, Mayo 18, 2023 sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Serdar Berdimuhamedov ng Turkmenistan, inihayag ng pangulong Tsino ang mainit na pagtanggap sa pagdalo si Berdimuhamedov sa China-Central Asia Summit (CCAS).

 

Aniya, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina’t Turkmenistan, iginigiit ng dalawang panig ang mapagkaibigang kooperasyon alinsunod sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t-isa at mutuwal na kapakinabangan.

 

Malaki ang nakatagong lakas ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at kasama ng Turkmenistan, nakahanda ang Tsina na ibayo pang pasulungin ang nasabing relasyon upang magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Turkmenistano, saad ni Xi.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio