Ipininid gabi ng Mayo 17, 2023, sa Morodok Techo National Stadium ng Phnom Penh, kabisera ng Kambodya, ang Ika-32 Southeast Asian Games (SEA Games).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Samdech Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, na ipinamalas ng Ika-32 SEA Games ang pagkakaisa, pagkakaibigan at pagtutulungan sa pagitan ng mga bansa ng Timog Silangang Asya.
Ang matagumpay na pagdaraos ng palarong ito ay sumasalamin sa diwa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pagkakaisa, pagkakaunawaan, pagkakaibigan at pagkakaugnay, aniya pa.
Pinasalamatan din niya ang Tsina sa ibinigay nitong tulong sa pagtatayo ng Morodok Techo National Stadium, kung saan idinaos ang seremonya ng pagpipinid.
Ito ay maaaring maglulan ng mga 60 libo katao, dagdag niya.
Seremoniya ng Pagbubukas ng Ika-32 SEA Games na idinaos sa Morodok Techo National Stadium
Samantala, ihinatid ng Kambodya ang watawat ng Southeast Asian Games Federation sa Thailand, na siyang magiging host county ng susunod na SEA Games.
Nakuha ng Biyetnam ang unang puwesto sa listahan ng medalyang ginto.
Sa ilalim ng temang “Sport: live in Peace,” lumahok sa Ika-32 SEA Games ang nasa 10 libong atleta, coach, referees at opisyal mula sa 11 bansa’t rehiyon ng Timog Silangang Asya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio