MOFA, inilahad ang kalagayan ng pagdalaw ng espesyal na sugo ng Tsina sa Ukraine

2023-05-19 13:31:45  CMG
Share with:

Inilahad Huwebes, Mayo 18, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang kalagayan ng pagdalaw ni Li Hui, espesyal na sugo ng Tsina sa mga suliranin ng Eurasian, sa Ukraine.


Ipinahayag ni Wang na sa kanyang pananatili sa Ukraine, nagtagpo sina Li at Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine. Magkahiwalay na nakipagtagpo rin si Li kina Andrii Yermak, Direktor ng Tanggapang Pampanguluhan ng Ukraine, Dmytro Kuleba, Ministrong Panlabas ng bansa, at sa mga mataas na opisiyal ng departamento ng enerhiya, imprastruktura, at tanggulang basna.


Saad ni Wang na nagpalitan ang dalawang panig ng palagay hinggil sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine at relasyon ng Tsina at Ukraine.


Ipinahayag ni Wang na inilahad sa Ukraine ni Li ang paninindigan at mungkahi ng panig Tsino hinggil sa pulitikal na paglutas sa krisis na ito.


Inilahad ni Wang na pinahahalagahan ng Ukraine ang mahalagang papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig at winewelkam ang pagganap ng Tsina ng positibong papel sa tigil-putukan at pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Ukraine.


Saad ni Wang na ipinahayag ng Ukraine na palagiang iginigiit nito ang patakarang isang Tsina at nakahandang pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil