Mensahe ng pagbati, ipinaabot ni Xi Jinping kay Jakov Milatovic sa kanyang panunungkulan bilang presidente ng Montenegro

2023-05-21 14:13:51  CRI
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Mayo 20, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Jakov Milatovic bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang presidente ng Montenegro.


Tinukoy ni Xi na palagi ang paggalang at pagtitiwala sa isa’t-isa ng Tsina at Montenegro, at napakahalaga para sa Tsina ng pagpapaunlad ng relasyon sa Montenegro.


Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Presidente Milatovic upang mapalalim pa ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, magkasamang pamunuan ang bilateral na relasyon tungo sa walang patid na pag-unlad, at magsumikap para sa mas malaking benepisyo ng mga mamamayan ng dalawang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio