Zhao Leji, bumiyahe sa Malaysia

2023-05-21 14:16:10  CRI
Share with:

Isinagawa mula noong Mayo 18 hanggang 20, 2023, ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ang opisyal at mapagkaibigang pagdalaw sa Malaysia.


Sa pakikipagkita sa kanya ni Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah, sa Kuala Lumpur, sinabi ni Zhao na sa estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, malusog at matatag na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Malaysia, at kapansin-pansing bunga ang natamo ng pragmatikong kooperasyon.


Kasama ng Malaysia, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina upang magkasamang itatag ang de-kalidad na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran at ipagpatuloy ang pagkakaibigang tumagal na ng libong taon.


Sinabi naman ni Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah na malaking katuturan para sa Malaysia ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.


Dapat aniyang ibayo pang palakasin ng kapuwa bansa ang pragmatikong kooperasyon at palalimin ang pagpapalitang pangkultura.


Salin: Lito

Pulido: Rhio