Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa panunungkulan ni Wesley W. Simina bilang pangulo ng Micronesia

2023-05-22 16:46:25  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Mayo 18, 2023 kay Wesley W. Simina bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Micronesia, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pundasyon ng paggalang sa isa’t-isa at pagkakapantay-pantay, malaking progreso ang natamo ng relasyong diplomatiko ng dalawang panig simula nang maitatag ito, 34 na taon na ang nakalipas.

 

Ito aniya ay nagdulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng Tsina’t Micronesia.

 

Kasama ni Pangulong Simina, nakahanda aniya siyang magsikap para palalimin ang kooperasyon at pagpapalitan sa iba’t-ibang larangan, at pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio