Sa kanyang liham, Mayo 21, 2023, sa mga boluntaryong naghihiwa-hiwalay ng basura sa Jiaxing Road, distrito ng Hongkou, lunsod Shanghai, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pagkaraan ng ilang taong pagsisikap, natamo ang bagong progreso sa segregasyon ng basura, at ito’y ikinatutuwa niya.
Binigyan-diin niyang ang segregasyon ng basura at pagreresiklo ay sistematikong proyektong nangangailangan ng sama-samang pagsisikap ng iba't-ibang sektor.
Kaya, umaasa siyang patuloy na gagampanan ng mga boluntaryo ang natatanging papel sa lokal na pamamahala, para pabutihin ang paghihiwa-hiwalay ng basura, na siyang magsisilbing bagong uso, alinsunod sa mababang karbong uri ng pamumuhay.
Ito rin ay aktibong kontribusyon sa pagpapaunlad ng ekolohikal na sibilisasyon at pagpapataas ng antas ng kalinisan ng buong lipunan, dagdag ni Xi.
Isa sa mga primaryang adiyenda ni Xi ang paghihiwa-hiwalay ng basura at wastong paggamit ng mga mapagkukunan.
Kaugnay nito, sinabi niyang patuloy na pinapaigting ang pagpapatupad ng segregasyon ng basura sa buong bansa, at ang pang-araw-araw na aktibidad na ito ay kumpleto nang naitatag sa 297 lunsod sa antas ng prepektura sa buong Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio