MOFA: Prinsipyong isang-Tsina ay komong palagay na kinalala ng komunidad ng daigdig

2023-05-23 15:37:40  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pagtanggi ng ika-76 World Health Assembly (WHA) sa panukala ng iilang bansa hinggil sa pag-iimbita ng Taiwan bilang tagamasid para dumalo sa WHA, ipinahayag Lunes, Mayo 22, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na tinanggihan ng WHA ang ganitong panukala hinggil sa Taiwan nitong nakalipas na ilang taong singkad, ito’y nagpapakitang ang prinsipyong isang-Tsina ay komong palagay na kinalala ng komunidad ng daigdig.

 

Sinabi ni Mao na bago ang pagdaraos ng ika-76 WHA, halos 100 bansa ang nagpadala ng liham sa World Health Organization (WHO) at nagpalabas ng pahayag para ipakita ang kanilang paggigiit sa prinsipyong isang-Tsina at pagtutol sa pagdalo ng Taiwan sa WHA.

 

Sinabi ni Mao na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang sentral ng Tsina ang isyu ng kalusugan ng mga kababayang Taiwanes at sa ilalim ng prinsipyong isang-Tsina, isinagawa nito ang maayos na hakbangin at plano hinggil sa pagdalo ng Taiwan sa mga suliranin ng kalusugang pandaigdig.

 

Hinimok ni Mao sa iilang bansa na itigil ang pagsasapulitika ng isyu ng kalusugan at pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina sa pangangatuwiran ng isyu ng Taiwan.


Salin:Ernet

Pulido:Ramil