Tinanggihan Lunes, Mayo 22, 2023 ng World Health Organization (WHO) ang pakikilahok ng Taiwan bilang tagamasid, para sa taunang asembleya na idinaraos sa Geneva mula Mayo 21 hanggang 30.
Ipinahayag ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng United Nations sa Geneva at mga pandaigdigang organisasyon sa Switzerland, na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina at ang paglahok ng Taiwan sa mga aktibidad ng WHO ay dapat sundin ang prinsipyo ng isang-Tsina.
Dagdag pa niya, hindi kinikilala ng awtoridad ng Taiwan ang prinsipyong isang-Tsina, ibig-sabihin, itinakwil nito ang pundasyong pulitikal ng pagdalo ng Taiwan sa taunang asembleya ng WHO.
Bukod dito, sinabi pa ni Chen na bago buksan ang taunang asembleya, inihayag ng halos 140 bansa ang paninindigan ng paggigiit ng prinsiypong isang-Tsina at pagtutol sa pagdalo ng Taiwan sa taunang asembleya ng WHO.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil