Xi Jinping, bumati sa pagdaraos ng Forum on the Development of Xizang, Tsina

2023-05-23 16:38:55  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Mayo 23 sa Beijing ang 2023 Forum on the Development of Xizang, Tsina.

 

Nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati sa porum na ito.

 

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na sapul nang ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong 2012, nilutas ang isyu ng absolute poverty ng rehiyong awtonomo ng Xizang sa pamamagitan ng pagpunyagi at pagsisikap ng mga opisyal at mamamayan ng iba’t ibang lahi ng Xizang at buong lakas na pagkatig ng pamahalaang sentral at mga mamamayang Tsino.

 

Idiniin ni Xi na dapat pabilisin ang de-kalidad na pag-unlad ng Xizang para ibayo pang pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal.

 

Ang tema ng porum na ito ay “New Era, New Xizang, New Journey—New Chapter in Xizang’s High-quality Development and Human Rights Protection” na magkasamang itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado at pamahalaan ng rehiyong awtonomo ng Xizang.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil